"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
Ito ang gasgas na linyang pinanghahawakan ng bawat estudyanteng Pilipino.
Katagang ginasgas ng kulang na pasilidad sa mga paaralan mula elementarya hanggang highschool... hanggang highschool na lamang dahil hindi naman nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas na libre dapat ang edukasyon sa kolehiyo... kung ano lang ang kayang ibigay ng gobyerno, pagtiisan.
Pero kami ang pag-asa ng bayan: nag-aaral sa kabila ng mga gurong nawalan na ng bilib sa amin, ng mga bangkong nangungutya at librong mali-mali.
Kami ang pag-asa ng bayan, hindi lamang dahil magtatapos kami sa kabila ng lahat ng ito kundi dahil ngayon pa lamang sama-sama naming ipinapaabot sa inyo mga mahal naming magulang, guro, mambabatas at tagapamahala
na kami, mga kabataang puno ng enerhiya at ideyalismo ang magbabangon sa bansang ito...
kahit para kaming sardnas na isiniksik sa lumang mga silid-aralan, kahit walang sapat na libro at guro
kahit tila hindi naman seryoso yung commitment ninyo sa edukasyon...
Paano na lang kung maayos na ang kalagayan ng bawat paaralang pang elementarya at highschool? Paano na lang kung pati yng tertiary education sinagot na ng pamahalaan?
tiyak uunlad ang bansa.
mas maganda ang kaunlaran kung kaunlaran itong nanggaling sa mamamayang Pilipino at hindi sa mga dayuhang bagama't nakatutulong ay isinusulong din ang kanilang kapakanan.
Ang Pilipinas ay para sa mamamayang Pilipino. Bigyang prayoridad ang edukasyon, dahil ang batang inalagaan tatanaw ng utang na loob sa magulang.
Let's fight for a 6% of GDP budget for education. Ang Edukasyon ay karapatan, karapatang pwede mong ipaglaban kung hindi man para sa sarili mo, ipaglaban mo para sa batang klasmeyt mo sana kung di lang siya natigil sa pag-aaral at tuluyang nawalan ng gana.
Initiate a blackboard campaign in your school and submit your photos here. You may inculde photos of our current educational situation.